Binyag ni Rio (Part 2)

 

Umaambon na papunta pa lang kami sa simbahan.  Bumuhos na nga ang ulan habang binibinyagan si Rio.  Maraming mga  side chika sa simbahan kaya hindi ako masyadong nag-alala sa mga mababasa sa reception venue. Bukod pa, tiwala ako kay Lara the caterer/designer/event organizer/ florist / event troubleshooter at sa mga kamag-anak na hindi pababayaang mawafaz na lang ang venue.

Heto na ang ilang mga photos sa binyag at mga side chika na rin.

Simbahan (Sta. Clara de Montefalco Parish Church).Walang dudang dito ko gustong binyagan si Rio. Bukod sa ito talaga ang parokya namin, Sta. Clara na talaga ang simbahang kinalakhan ng aming pamilya.

 

Sa mismong araw ng binyag lahat gagawin ang mga bagay-bagay – pagpapalista, pagbabayad (note: maraming ninong at ninang = mas mahal na bayarin), pagkuha ng baptismal kit ( kandila at guide para sa seremonya).  Nalito na lang talaga ko. Habang hinihintay namin si Father, chika lang nang chika ang nanay ni Rio sa mga kumpare’t kumare.  Dumating na si Father at hinanap ang mga kandila at guide. Ayun, kami na lang ang grupong hindi nakakuha ng baptismal kit sa church office. Nakalimutan ko! Nasermunan tuloy kami ni Father.

 

Dedma si Rio sa sermon ni Father. Tahimik at big eyes lang habang karga ni Tatay.

 

Lahat bilib kay rio. Sa buong seremonya, hindi siya umiyak at gising na gising pa. No reaction din nang binuhusan siya ng tubig ni Father. Good boy ang baby namin.

 

Mga piling-piling kodakan moments namin sa simbahan. Maraming,maraming salamat kay Tito Teejay sa mga litrato. Sa 1st birthday uli ni Rio.

 

Sa wakas, family picture!

Rio karga ni Ninang O. Mas naging masaya ang binyag ni Rio sa pag- uwi ni Ate O. Ikaw na, Ate! Da best ka!

 

Si Ninang Oyie naman! Ganda ng smile ni Oyie. Shempre, labs niya ang photographer e!

 

Hindi mawawala ang mga high school friends ko sa first event ni Rio.  Ninangs, mahal na mahal namin kayo nina Nanay at Tatay.

 

Ayan, tapos na ang binyagan. Asa Tolentino na kami. Ano kaya ang itsura ng reception  venue pagkatapos bumuhos ang ulan? Abangan…

 

 

 

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s