Binyag ni Rio (Part 1)

Ngayon lang ako nagplano at nag-ayos ng party. Bisita lang lagi ang papel ko sa mga party ng kaibigan ko. Kaya para sa isang first time event organizer, gusto kong i-share sa inyo ang unang party ni Rio. Pasasalamat na rin ito sa lahat ng mga tumulong sa amin para maging masaya at di malilimutan ang binyag ng aming pinakamamahal na anak.

Heto na ang aking litanya. Pasensya kung di pa ito organisado.

Lugar ang una at pinakamalaking problema naming mag-asawa.  Saan kami pupwesto? Maliit lang ang bahay namin at kung meron mang nagpaparty dito sa lugar namin, sa kalye tayo maghappy-happy. Saan? Isip,isip, isip. Restawran? Naku, hindi kasya sa budget namin ang restawran. Kaya isip ulit. Sa Tolentino kaya ? Compound ito kung saan nakatira ang mga kamag-anak ko. Marami-rami na ring party ng aming angkan ang ginanap dito tulad ng 50th birthday ni Maestro (tatay ko).  Kaya sumulat ako agad sa mga pinsan ko para iparating kina Tita Alice at Tiong Ongie kung pwede kaming mag-party sa Tolentino. Yehey! Pwede! Kaya, fast forward. Ito na ang mga photos ng pagsesetup sa Tolentino. 

Si Mong,pinsan ko at isa sa mga punong abala sa pag-aayos ng venue. Sineset-up na ang makulay na parachute pansangga sa init at ulan.

Si Raprap,pamangkin ng tatay ni Rio. Laging maaasahan. Salamat sa paggising nang maaga.

Si Banni,bayaw ni Mong. Ganda ng pose mo dito pareng Banni. At shempre, ganda rin ng kuha ni Teejay. Maraming salamat sa mala-spiderman na si Banni. 

Si Tiong Ongie, carbon copy ng tatay ko. Maraming salamat sa pag-aasikaso sa lugar. Success ang unang party ni Rio!

Si Lara, ang aming caterer/designer/event organizer/florist. O di ba, hindi ko maimagine ang party ni Rio kung wala si Lara sa tabi ko ( virtual lang naman, kasi nag-uusap kami thru email, fb , text at chat). Salamat nang marami! 

Nagbabadya talaga ang ulan. At umulan talaga! Habang nasa simbahan kami, bumuhos ang ulan. Nakatanggap na lang ako ng text kay Lara na winafaz (winasak) ng ulan ang setup. OMG! Panic to the highest level.

To be continued ang post kong ito. Napakarami ko pang pasasalamatan. Tingnan ang huling photo, ayos di ba? Makulay ang buhay!

One thought on “Binyag ni Rio (Part 1)

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s