Lola M.

Kahit ‘nanay’ pa rin siya para sa akin, mas nakatatak na siya ngayon bilang ‘Lola M’. Ganun nga kaya kapag nagkakaanak na, inaangkin mo na ang pagiging nanay kaya mas nakikita mo na ang iyong ina bilang lola ng anak mo?

Walang duda, sabik na sabik ako sa Nanay ko. Lagpas isang dekada ko na yata siyang hindi nakakasama nang lagpas isang buwan. Binitbit kasi siya ng Ate ko sa ibang bansa. Sa tingin ng lahat, mas makakabuti para kay Nanay na kasama si Ate at ang kanyang mga apo lalo nang pumanaw si Tatay.

Pero gaano man ako kasabik kay Nanay, nadadaig ng pagiging bagong nanay ko ang pakiramdaman na ito. Kaya sa halip na maging nanay siya sa akin, mas masaya na ako at sa basa ko, maging siya ay mas excited at masayang maging bagong lola sa kanyang bunsong apong si Rio. Sa bahagi ko naman, abala ako ngayon sa pag-aaral maging nanay kay Rio kaysa maging anak ni Lola M.

Pero huwag ipagkamaling, nagiging pabayang anak ka sa oras na maging isang ina. Ang totoo, maiisip mong kulang pa ang pagmamahal na ibinibigay mo sa iyong ina kumpara sa lahat ng pinagdaanan niya mula nang ipinagbuntis, ipinanganak at pinalaki ka. Mas mamahalin mo ang nanay mo dahil nanay ka na. Mas mamahalin mo ang nanay mo dahil kahit lola ang tawag sa kanya ng mga apo, pagmamahal pa rin ng isang ina ang kanyang ibinibigay sa kanila. At sa ganitong paraan, tinuturuan ka niyang maging mabuting ina sa kanyang apo.

Happy birthday Lola M! Masaya akong nakasama mo ang bunso mong apo sa araw mong ito kahit mas matagal pa siyang tulog sa ating birthday lakwatsa.

Mahal na mahal ka namin Lola M!

20110918-023305.jpg

20110918-023346.jpg

3 thoughts on “Lola M.

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s