Kwatro Pasabog : Apat na Buwan na si Rio!

“Ambilis ng panahon! Anlaki na ni Rio”. Laging ganyan ang komento ng mga FB friends ko sa monthly birthday pictures ni Rio.

Tama ang mga FB friends ko. Talaga namang mabilis ang panahon at ganoon ding kabilis lumaki ang mga bata. Kelan lang excited na excited akong ihele si Rio sa duyan. Ngayon, bilang na ang mga araw ng aming most beloved duyan. Malapit na kasing lumagpas si Rio dito kaya goodbye na sa duyan.

Kaya bago pa man matulad sa duyan na malapit nang malaos, heto na ang mga milestones (pasabog) ni Rio sa kanyang ikaapat na buwan.

  1. Good night. Sleep tight. Don’t let the bugs bite.

Mahimbing at mahaba na kung matulog si Rio sa gabi. Tapos na ang mga gabing hindi kami makatulog nang mahimbing dahil kung hindi umiingit o gustong dumede  ay maglalaro lang si Rio anumang oras sa madaling araw.

Ngayon, konting laro-laro na lang kami sa Big Bed habang aliw na aliw siya sa mga sampay sa kwarto, ready to breastfeed na, tapos tulog na! Mga 1-2  beses na lang mauulit ang breastfeeding session namin sa madaling araw, bandang 2am at 4am. Tapos Good Morning Rio na bago mag-8 ng umaga.

Dapa, Rio, dapa. Mas mahimbing ang tulog ni Rio kapag nakadapa siya.

Eto pa ang isang kapansin-pansin pero hindi kay Rio kundi sa akin. Natatandaan ko na ang mga panaginip ko paggising ko sa umaga. Ang ibig sabihin daw nito nakaranas ka ng deep sleep o mahimbing talaga ang tulog mo. Salamat rio!

2. Riong Daldal

Bisyo nilang mag-lola ang magkwentuhan. Chika lang, napapatahan na ng nanay ko si Rio. Sumasagot naman ang bata. Siyempre wala pang malinaw sa mga sinasabi niya.  Minsan parang nasasabi niya na ang  mga salitang ”hindi’ at “dede”.

Lola : Antok ka na, Rio?

Rio: Nnnnnde!!

Bakit naman ito ang nasasabi niya?  Dede dahil pwedeng na-associate niya sa aming breastfeeding. Paano naman niya nasabi ang HINDI? Minsan naisip namin, naririnig ni Rio ang mga contestants ng Pinoy Henyo sa Eat Bulaga. Tao ? HINDI. Lugar ? HINDI. Yun na. Laking Eat Bulaga kasi ang Nanay niya.

Afternoon Chika with Lola M

      3. You Tube Favorites

Enjoy si Rio  kapag nanonood kami ng mga videos na ito.

Siyempre sinasabayan ng Nanay ang mga kanta. Minsan, ako na lang talaga ang kumakanta  at may kasama pang sayaw. Naaliw ko rin siya nung minsang kinanta ko yung chorus ng Just the Way You Are ni Bruno Mars.  Enjoy pa rin naman siya.

         4. Hawak-kamay

Hinahawakan na ni Rio  lahat – mga laruan, rattle, unan, wash cloth at ang kanyang sando! Kaya madalas naaabutan ko na lang si Rio na nakataas ang sando, showing off his abs. Sinusubo na rin niya lahat at siyempre pa paborito niya ang kanyang mga daliri. Hindi lang thumb sucking ang bisyo ni Rio, hand as in buong kamay! Kailangan na talaga namin siyang ibili ng teether.

Rio and his Magic Mic

Happy 4th Month Rio!

Four sweet cupcakes for Rio's 4th month!

Hanggang sa susunod na buwan – High Five Pasabog!🙂

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s