Long Weekend : Bagong Nanay Edition

E ano kung long weekend? Ngayon pang  apat na buwan pa lang si Rio at SAHM pa ang drama ko, lilipas lang ang long weekend na hindi namin mamamalayan.

Teka, bago niyo ako tawaging KJ (kill joy) o bitter, ang totoo may balak rin naman kami sa long weekend. Simple lang – pasyal-pasyal at kodakan kasama si Rio.

Fast forward. Kung meron mang KJ nung long weekend, walang iba ‘yun kundi ang  panahon, as in “the weather”. Maulan kaya change plan. Maulan kaya si Rio iwan.

Ang totoo, mas gusto kong kasama si Rio kapag aalis. Walang hassle, walang iisipin kung umiiyak ba o nagugutom na siya. Pero hindi laging ubrang bitbit si Rio lalo’t beybing-beybi pa siya. Kaya eto ang ilan sa mga tips para sa mga bagong nanay kapag long weekend, maulan, change plan at  si bebyi ay iwan.

 

1. Kumilos nang mabilis.

Pagkatapos kong paliguan si Rio kilos na ako agad. Ligo, bihis, breastfeed, magpatulog, sibat na.

Walang sasayanging oras. Mas maganda kung tulog siya habang wala ka sa bahay. Paggising niya, nasa tabi ka niya ulit at dede time na!

Malaking tulong din kung mas mabilis kumilos si mister. Sa kaso namin, maraming beses na nababalanse ng Tatay ni Rio ang kabagalan ko. Minsan habang nagbibihis ako, siya naman ang nagbibihis kay Rio. Hay, kailangan ko pa rin talagang magpraktis na mas mabilis kumilos.

 

2. Magplano.

Gumawa ng listahan ng mga dapat bilhin. Hindi lang tipid sa oras pati na rin sa budget. Maraming oras ang nasasayang sa pag-ikot sa grocery o department store na wala pa namang tiyak na bibilhin.

Nitong long weekend, pagkakataon na para madagdagan ang Quiapo sandos ni Rio. Kaya naghanap kami agad sa SALE section ng department store at ito ang aming nakuha.

 

2 for P99!!!

2 for P99!!!! Susuot ko ito sa bday salosalo ni Ate Sam sa Sunday!

 

3. Merienda date ang da best time.

Dahil nakatipid ka ng oras sa pamimili ( bilang konti lang naman talaga ang kayang bilhin ng budget), may panahon pa para sa isang quickie merienda date.

Da best pa rin ang merienda date dahil afternoon nap ito ni beybi. Madalas toxic ang sked ng mga nanay sa umaga’t gabi kaya makakasingit lang talaga ng short but sweet date kapag tulog sa hapon si beybi.

Dapat alam niyo na rin kung saan niyo gusto kumain. Hindi na ito pareho noong wala pa si beybi na ubos ang oras ninyong mag-asawa kakatanong “San tayo kakain?”

Hindi pa kami expert dito. Mas malala pa nga kami dahil bukod sa hindi kami magkasundo kung saan kakain, naligaw pa kami nang sa wakas naisip naming gusto lang naming magkape/hotchoco. Saan nga ba yung Mary Grace Café ?

 

Hot chocolate and apple pie for merienda. Mas masarap pa rin ang hot choco sa Quiapo. Mura pa!

Weekdays o long weekend man,  dapat lubusin at i-enjoy natin ang unang taon kasama ang ating mga beybi. Huwag mainip, malapit nang mahatak si beybi sa mga weekend lakwatsa. Sa ngayon, enjoy muna tayo sa mga quickie dates.  :)

Pahabol: 

Huwag kalimutang mag-uwi ng pasalubong kay Lola na nagbantay kay beybi.

Sapin-sapin at cuchinta ng Dolor's Kakanin for Lola M. May choco cupcakes pa from Oyie! YUMMY!!!

2 thoughts on “Long Weekend : Bagong Nanay Edition

    • @garetski ako naman pag nababasa ko mga kwento mo parang gusto ko nang lumaki si Rio. pero dapat nga ienjoy ko muna ang mga araw na ito na kaya ko pa siya ilagay sa duyan at nakakagawa ako ng ibang bagay tulad ng blogging,hehe

      Like

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s