Stay Hungry. Stay Foolish. Good Night!

 

Mga naisip ko nang magising, bumangon at hindi na makatulog ng alas-3 ng madaling araw:

 

– Dapat matuto at magsimula na akong mag-pump at mag-store ng gatas. Puro kasi ako basa ng mga how to pump, store, thaw  breast milk at kung anu-ano pa. Go na, mag-pump na!

– Malapit na ang binyag ni Rio. Huwag maging OC-OC. Gawing simple pero masaya para sa lahat.  Sige ka, madalas kapag OC-OC at hindi nadali ang mga plano, ganito ang feeling : bagsak, malungkot at matagal maka- move on.

– Nababandwagon effect ako.  Gusto ko ring basahin ang mga speech ni Steve Jobs (kakaresign lang niya bilang CEO ng Apple).  Lahat ng nababasa ko nagpapasalamat sa kanya dahil sa Apple technology —  para sa Iphone, Ipod, Mac.

Para sa akin, may Madam Anna Syndrome si Steve Jobs. Sa mga hindi nakakakilala kay  Madam Anna – siya ang bidang karakter sa hit teleserye ng ABS-CBN ngayong 100 days to heaven.  CEO ng Toy Company na biglaang namatay dahil may nagpasabog ng kotse niya. Hindi muna siya pinapasok sa langit pero binigyan ng 100 araw para makabalik sa lupa at ituwid ang mga pagkakamaling nagawa niya sa mga taong nasaktan niya.

Imahe galing sa abs-cbn.com

Ang pagkakaiba ni Steve Jobs kay Madam Anna, pinaghahandaan na niya ang kamatayan. May cancer of the pancreas si Jobs. Mas mahusay na CEO si Jobs kumpara kay Madam Anna. Ibang klase talaga ang foresight nito kahit pa sa kanyang kamatayan. Masesense mo sa kanyang mga speech, letter na pinapalakas niya ang loob para rito. Pwedeng kaya siya nagresign, liban sa kinakailangan talaga ng pahinga para sa pagpapapagamot, panahon din para makabawi sa sarili, pamilya at maaring sa mga taong may atraso siya.

Ang totoo niyan,  ang speech na ito ang gumising sa akin. Basahin niyo rin. Pagkabasa ko nito hindi na ko nakatulog. Bumangon, kumain ng biskwit at eto nag-blog na. Ayan, 4:30 na ng madaling araw.

Stay Hungry. Stay Foolish . Good Night!

One thought on “Stay Hungry. Stay Foolish. Good Night!

  1. Pingback: The Speech. « Juyjuy

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s