BreasTALK : Text, Retweet, Share your Knowledge and Experiences

“Welcome to the Milk Mama Diaries Carnival (August). For this month, we join the World Alliance for Breastfeeding Action in it’s “Talk to Me!” theme where participants will share personal experiences, insights or recommendations in communicating breastfeeding intentions and goals to their support system. Please scroll down to the end of this post and check out the other carnival participants.”

BreasTALK : Text, Retweet, Share your Knowledge and Experiences

Nanay at anak. Sa unang tingin, dalawang tao lang buo na ang kwento ng  breastfeeding – isang nagbibigay at isang tumatanggap ng gatas.

Ako at si Rio.  Ako ang nanay na nagbibigay ng gatas habang si Rio naman ang batang umiinom nito. Pero teka lang, kulang pa ito. Hindi magiging panalo ang tatlong buwang breastfeeding naming mag-ina kung wala ang pinakamaaasahan naming support system.

Para sa akin, hindi lang personal na usapin ang breastfeeding. Isa itong interaksyong nagtuturo sa ating humingi ng tulong sa mga mas makaranasan at ibalik ang ating mga natutunan sa mga sasabak pa lang.

Saklolo! Saklolo!

Dito papasok ang mga kaibigan nating naunang makapag-breastfeed ng kanilang mga anak. Sila ang magiging pansamantalang guro natin. Sa mga unang linggo ng breastfeeding, para tayong mga batang tinuturuang magsulat ng pangalan. Sinasanay tayo ng tamang latch na parang tinuturuan ng paghawak ng lapis para makapagsulat nang maayos.

Maswerte ako sa mga kaibigan. Isang text ko lang, may sagot na agad sa mga tanong ko. Tuwing kelan ba dapat magpadede? Paano yan, ayaw dumede ni Rio sa  kanan? Sa chat, twitter o facebook man, matiyaga nilang sinagot ang mga tanong na ‘yan. Hindi man kami nagkikita, naging pampalakas loob ko ang mga mensahe nila.

Maituturing ko ring mga kaibigan kahit hindi ko pa sila nakikilala ang mga mom bloggers na matiyagang ikinuwento ang breastfeeding stories nila. Habang binabasa ko ang mga testimonya nila, naisip kong kaya ko ring magtagumpay tulad nila sa larangan ng breastfeeding.

Ikaw naman!

Tama, ikaw naman ang magbalik ng iyong mga natutunan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ako nag-blog. Gusto kong ikwento ang byahe ko bilang isang bagong nanay kasama na rito ang mga pinagdadaanan namin ni Rio sa breastfeeding. Pwedeng hindi pang-eksperto ang mga tips na maibibigay ko pero ang tiyak, dagdag boses ako sa paparaming mga nanay na nagpapalaganap sa kagandahan ng breastfeeding.

Huwag din namang ipagkamaling ang breastfeeding advocacy ay sa pagitan lang ng mga nanay. Napakahalaga ng papel ng komunidad lalo na ng gobyerno para dumami pa ang matatagumpay na breastfeeding stories  sa buong bansa.

Kaya kasabay ng pagkukuwento ko sa aming pinagdadaanan ni Rio, nananawagan din ako sa ating gobyernong dagdagan ang budget para sa kalusugan. Magtitiyak ito ng mas maraming proyekto para sa pangangalaga ng kalusugan ng mga bata at kababaihan.

Tandaan:  I-retweet ang bagong kaalaman, I-share ang bagong karanasan!

Hindi lang pansariling paglalakbay ang breastfeeding.  Kailangan natin ang tulong ng iba at tanggapin ang tungkuling magbigay at tumulong din sa iba.  ‘Yan naman ang ganda ng breastfeeding.  Natututo tayong magbigay hindi lang ng ating gatas kundi ng ating mga karanasan, kaalaman at sarili.

Heto pa ang mga entri sa Blog Carnival. Mga nanay, basahin, at busugin ang ating mga isipan! Enjoy!

16 thoughts on “BreasTALK : Text, Retweet, Share your Knowledge and Experiences

  1. “Para sa akin, hindi lang personal na usapin ang breastfeeding. Isa itong interaksyong nagtuturo sa ating humingi ng tulong sa mga mas makaranasan at ibalik ang ating mga natutunan sa mga sasabak pa lang.”

    This is so true. Madalas, and mga moms na nakapag breastfeed, lalo na’t mahirap ang napagdaanan, sila yung talagang taos pusong mag “pay it forward”.

    Been there, done it, still helping!!

    Masaya ako’t marami kang natatakbuhang kaibigan!

    Like

    • sis, ang iyong paggamit ng wikang filipino ay namnam na namnam ang damdamin ng iyong entri. breastfeeding and buwan ng wika combined!

      naniniwala ako sa sinabi mo, na kahit hindi tayo eksperto, and ating maliliit na boses ay mahalaga sa pagpapalaganap ng kaalaman! saludo ako sayo, nanay!

      Like

  2. Pingback: A-S-K (on breastfeeding questions, help and support) « Superwomom

  3. Pingback: My Best Breastfeeding Support System — My Husband « Ethanmama

  4. Pingback: 6 persuasion tips for breastfeeding moms and advocates « Go Help Yourself

  5. Pingback: A Couple’s Communication and Decison: Key to Successful Breastfeeding « Handy Mommy

  6. Pingback: Effective Communication Bucket List « Chronicles of a Nursing Mom

  7. I definitely agree that breastfeeding advocacy is not just among moms! The government and community certainly play big roles but how will they know what we need or what more needs to be done if we don’t tell them? Talking about our experiences will definitely spread the word!

    Like

  8. Pingback: Communication through Breastfeeding | Touringkitty

  9. naki-ayon ang “post” na ito sa isa pang mahalagang bagay ngayong buwan — ang buwan ng wika! gagawin ko rin dapat na Filipino ang aking “post” –hala paano ba isalin ito, pati ang breastfeeding –pagpapasuso? kaya hindi ko itinuloy ang pagsasaFilipino ng aking “post.” bow.🙂

    gamitin ang social media sa mabuting paraan! ipalaganap na ang breastfeeding ay normal🙂

    Like

  10. Ang galing mo mag-Filipino. Sana ako rin. Maganda ang mga mungkahi na binigay mo. Mas madali nga kung may suporta ng gobyerno.

    Like

  11. Pingback: Dainty Mom

  12. Natutuwa akong basahin ang blog mo! Naaalala ko ang pagbabasa ko ng mga aklat-aralin sa asignaturang Filipino noon. ^_^

    “Tama, ikaw naman ang magbalik ng iyong mga natutunan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ako nag-blog.” – sang-ayon ako dito. Isa din itong dahilan kung bakit ako nag-uumpisang maging aktibo muli sa blogging.

    Natutuwa din akong makasama ka sa blog carnival na ito! ^_~

    Like

  13. Pingback: I’m breastfeeding, and that’s that. | Attached At The Hip

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s