0

Seven Severe Pasabog

Eto na agad-agad ang mga pasabog ni Rio, enjoy!
  1.  Gapang, Rio, gapang!

True! Nakakagapang na si Rio pero hindi pa kasingdalas at bilis niyang dumapa o gumulung-gulong. Kailangan pa siyang i-motivate para gumapang. Books at laruan ang pinakaepektib na motivation ni Rio para gumapang.

Ganda ng new toy from Tita Joanna. Salamat po!

Sa huling checkup namin tinanong ko ang pedia ni Rio kung dapat ba kong mag-alala’t hindi pa madalas ang paggapang ni Rio. No need to worry, sabi niya. Hindi naman requirement ang paggapang bago maglakad ang baby.  Hindi nga raw gumapang ang mga anak niya. Ang mahalaga, makaupo na sa sarili niya si Rio bandang 7 months.         ( Oops, hindi pa ito kasama sa Seven Severe Pasabog niya. Nakakaupo na siya pero kailangan pa ring alalayan.)  

 

2.  Close Open Version R.I.O.

Pareho ng paggapang, hindi rin ito palaging ginagawa ni Rio.  Ang lakas pa nga mang-asar ng batang ito. Kapag pinapag-close open namin siya , hindi niya ito gagawin. Tapos makikita na lang naming kusa niya itong ginagawa  at sabay titig sa bukas-sara niyang kamay.  Manang-mana kay tataystrip si Rio! Kung ano ang sinasabi mo, yun ang…. HINDI ginagawa! Dalawang makukulit na ang mang-aasar kay nanaystrip! Hala!!!

Rio in his Tatay's shorts! Naiimagine ko na ang kulit ni Rio - manang-mana!

Eto pa ang sample ng kakulitan ni Riong bungisngis. Panoorin niyo.

3.  Enjoy sa PJ’s

Pajama na nga ang nightly outfit ng aming beybi. Anong kakaiba sa pagpapajama? Bakit ito kasama sa pasabog? Hindi ko kasi inakalang magpapajama si Rio sa pagkainit-init naming bahay. Kaya nga hindi kami masyadong bumili ng mga pajama at kahit noong unang mga buwan niya, hindi talaga siya nagpapajama sa gabi dahil sa sobrang init. Pero iba talaga ang weather ngayon  – mainit sa umaga, malamig naman sa gabi. Kaya, nagamit din ni Rio ang mga hand me down at regalong pajama sa kanya.  Inilabas ko na lahat ng kasya sa kanya at baka sandali lang ang ganitong panahon at maimbak na naman sa cabinet o kaya’y mapagliitan na niya ang mga pajama.

Little Cowboy Rio

 

Little Cowboy Rio

 

Stand Up Rio!

 

4.  Rio eats his books, yum!

Isinama ko ito sa kanyang monthly pasabog dahil gusto kong matandaan kung anong buwan kami nagsimulang mag-ipon ng books para kay Rio.

Book Sale Moment

May ilang nagregalo ng libro kay Rio noong binyag niya. Kaya sa pagkakatanda ko, sinimulan kong magbasa ng libro kay Rio apat na buwan pa lang siya. Bago ito, puro gawa-gawang kwento lang ang pinampapatulog ko sa kanya. Minsan pa nga kinukuwento ko ang labor at delivery story ko sa kanya bago matulog.

Ang unang mga librong binasa ko kay Rio ay ang The Three Little Pigs at Beauty and the Beast. Hindi pa namin nagiging bedtime habit ang pagbabasa ng libro. Sa ngayon, mas enjoy pa rin si Riong kainin ang kanyang mga libro.

 

Rio, bawal kainin ang libro!

 

5.  Solid food = solid poop

Isa ito sa mga inaabangan ko nang nagsimula si Rio mag-solids. Mag-iiba na ba ang poo-poo niya?

Confirmed. Nag-iba na nga ang poo-poo ni Rio. Solid foods= solid poop!

Hindi ko na papahabain pa ang pasabog ni Rio na ito. Baka mangamoy pa. Basta ngayong buwan nakakain na si Rio ng patatas, kamote, kalabasa, papaya, saging at arroz caldo!

Sa stroller ako pinapakain ni Nanay. At dapat maayos ang buhok ko pag eating time.

 

6.  Rio’s first playdate

Siya ang bunso sa lahat ng mga kidlets sa playdate na ito. Si Ruth, hayskul friend ang pangmalakasang event organizer nito at syempre sa bahay nila ang venue. Sabi ko nga sa tweets ko pagkauwi namin galing sa playdate na ito :

Nanaystrip Tweets :

When a friend whom you haven’t seen for a long time,sets a date,don’t hesitate.Old memories release a certain high&make you crave for more. 

After today’s fun get together with my high school buddies, I’m looking forward to more #playdateswith my other mom barkadas! Excited!

Nakakadik talaga ang bonding with hayskul friends. Parang pinaghahalo ang bago at luma at patok na mga kwento ang kinalalabasan.

Teka,balik tayo kay Rio. First attempt niya itong makihalubilo sa iba pang mga bata. Hindi pa rin nga gaano ang socialization mode kasi nga siya ang pinakabulinggit. Hindi pa siya pwedeng makipagsabayan kasi baka madaganan ng mga kuya at ate niya.

 

Tsup Tsup Rio ~ Kuya Geo

Ate Romjin, ang sarap pala ng ball! ~ Rio

Ang hindi mawawalang group picture sa Christmas tree

Naadik na kami sa playdate. Tama, nakakalendaryo na ang December playdate namin.

 

7.  Dancing lights, camera, Rio!

Unang labas ito ni Rio ng gabi. Marami kaming kalaban kapag binabalak naming igala si Rio ng gabi – mahamog na at baka magkasakit. Pero walang makakapigil sa aming pamilya nang gabing yun. Gusto talaga namin makalanghap ng simoy Paskong gimik pero matipid.

Saan pa? E di sa libreng dancing lights show sa Ayala Triangle Gardens. Malapit lang sa amin at sandali lang ang show kaya tipid. At tiyak mag-eenjoy si Rio sa mga nagkikislapang mga ilaw.

Rio dancing with the stars

Happy Christmas Family Date

Enjoy naman si Rio. Sa sobrang enjoy nga e hypnotic ang dating ng mga ilaw sa kanya. Pagkatapos ng show, tulog agad si Riong pogi!

Hypnotic Dancing Lights = Sleeping Rio

 

Hanggang sa susunod na buwan para sa Eight Watchamakulit na Pasabog ni Rio.

Heto nga pala ang photos ni Tataystrip para sa 7th month ni Rio.