Ilang araw na lang isang taon na si Rio. Isang taon na rin mula nang matalo namin ang sakit na Antiphospholipid Antibody Syndrome o APAS. Nalagpasan namin ito, kasama na ang iba pang kundisyon tulad ng gestational diabetes, kaya meron kami ngayong Rio.
Kaya para sa nalalapit na birthday ni Rio (sa Sabado na!), mas pinili kong isulat ang aming karanasan sa paglagpas sa sakit na ito kaysa nakagawiang monthly pasabog. Bonggang bongga ang pagiging APAS survivors naming pamilya kaya bagay na bagay ito bilang huling pasabog bago mag-ONE si Rio.
Ano nga ba ang APAS?
Sabi ng APS Foundation America, Inc :
Antiphospholipid antibody syndrome (APS) is an illness that involves the immune system, and causes increased clotting of the blood. Normally antibodies, chemicals made by the immune system, are helpful in fighting germs or viral infections from outside the body. However in APS, the immune system makes antibodies that cause blood to clot abnormally. This may cause problems with the pregnancy. http://www.apsfa.org/pregnancy.htm
Noong buntis ako, ganito ko lang siya nagegets : Baliw ang immune system ko. Hyper ang mga antibodies ko kaya pati si baby nilalabanan at nirereject. Pinapalapot ng APAS ang dugo ko na delikado para sa akin at sa bata.
Ganito ko naman siya ninanamnam: Kumplikado ang sakit na ito pero kayang labanan at malagpasan. Mahirap ang pagdadaanan pero kayang pagtagumpayan.
Talagang mahirap lalo na kapag naranasan mo minsang matalo ng sakit na ito. Five months nang makunan ako at mawala si Layla. Sa pagbubuntis na ito (2009) unang nadetect na isa nga akong APAS patient. Sa pagkakaalala ko, halos patapos na ang 1st trimester ng madiagnose ako at nagsimulang mag-inject ng anti-coagulant na Heparin. Late diagnosis man pero sabi ng OB ko bihira pa rin ang mga kasong tulad ng sa amin ni Layla na nawawala ang baby lagpas ang 1st trimester. Madalas sa mga kasong nasubaybayan niya, kapag naitawid na ng mag-ina ang 1st trimester, kayang-kaya nang umabot sa full term.
Maaring may iba pang dahilan bukod sa APAS kaya nawala si Layla pero isa lang ang tumatak sa isip ko – Traydor ang APAS na ‘to! Pero mas tuso’t magaling kaming mag-asawa sa’yo. We can do it! We will junk APAS!
Fast forward. Ilang araw na lang at isang taon na si Rio. Siya ang isa sa mga patunay na kayang pagtagumpayan ang APAS. Pero siyempre marami pang iba ang dapat na pasalamatan na tulad din naming mga APAS fighters. Kung wala sila, hindi naming matatalo ang sakit na ito at wala ring super kulit RIO ngayon!
OUR APAS FIGHTERS!
1. Dra. Angge Aguilar at Dra. Lara Alentajan-Aleta
Sila ang mga pangmalakasang doktora ko. Si Dra. Angge ang aking OB at si Dra. Lara naman ang aking immunologist. Kung may hirap sa inyong magbuntis, naka-experience ng miscarriage o na-diagnose na may APAS, sila ang inyong dapat puntahan.

Dito kami nagpapacheckup kay Dra. Angela Aguilar. Halos tapat na tapat ito ng Padre Faura entrance ng Robinsons Ermita
Habang nag-google ako ng mga pangalan ng doktora ko, natisod ko ang link na ito. Panoorin ninyo ang video tungkol sa APAS at mababasa niyo rin kung saan pwedeng makapagpachekup sa mga pangmalakasang doktora ko.
NanaysTIP: Susi sa APAS survival ang pagkakaroon ng mahusay na OB at immunologist. Sila ang susubaybay at titiyak sa kaligtasan ninyo ni baby hanggang sa panganganak. Kapag may tanong o kahit konting kakaibang naramdaman, mag-text o pumunta agad sa mga doktora.
2. Mga Kaibigan at Pamilya
Mahirap magka-APAS. One day at a time talaga dapat ang moda mo pero ginagawa rin ang lahat ng sabihin ng mga doktor para makatanaw ng medyo malayo. Bukod sa araw-araw na paglaban sa takot, paghahandaan din ang malaking gastos sa mga gamot (araw-araw na injection ng heparin ) at pagpapa-checkup. Sa kaso ko, mas madalas ang ultrasound ko — mas mahal pa yung kailangan ko o yung tinatawag na Doppler ultrasound. Halos kada 2 linggo kong pinagdaanan ang mga ultrasound sessions na ito pagpasok naming ng 5 months pataas.
Maraming salamat sa mga kaibigan at kapamilyang hindi lang nagbigay ng lakas ng loob pati na rin ng pantawid namin sa mga gastusin.
NanaysTIP: Si Dr. Joey Santiago, perinatologist sa Philippine General Hospital (PGH) ang winner na nag-ultrasound sa akin sa buong pagbubuntis ko. Kung kailangan niyong magpa-Doppler, kay Dr. Joey kayo pumunta. Mas magegets ninyo ang resulta ng ultrasound,promise!
Tambay-bahay ako sa buong pagbubuntis ko. Super happy ako sa paminsan-minsang pagbisita ng mga kaibigan. Pero ang internet talaga ang madalas na kasama at “kausap” ko – facebook, twitter at mga online forum.
Pinakapaborito ko ang APAS forum ng Female Network. Malaki ang naitulong nito sa pagkilala ko sa sakit ko at lalo na sa iba pang mga babaeng mayroon din nito. Na-inspire ako ng mga istorya ng mga sisses ko sa forum na sina “lei_glee, marose17,skylar-ddm, valerie28” at marami pang iba. Kahit hindi kami nagkikita, parang magkakakilala pa rin kami dahil may iisa kaming target – ang matalo ang APAS at magkaroon ng baby.
NanaysTIP: Para sa mga gustong basahin ang APAS thread,pumunta lang sa www.femalenetwork.com at i-click ang girltalk forum. Kailangang magregister para makapagsearch. Kapag nakaregister ka na, hanapin ang thread tungkol sa APAS ( APAS Test I at II at may mga bago pa).
4. Dra. Cecilia Jimeno, Metformin, oatmeal, nilagang saging na saba at kamote
Kung may gestational diabetes ka, kay Dra. Jimeno ka dapat pumunta. Tiyak kong magiging disiplando ka sa pagkain hanggang sa panganganak mo.
May daily food at sugar monitoring ako nang buntis ako. Nakasulat dito ang lahat ng kinakain ko mula umaga hanggang gabi at ang blood sugar level ko isang oras pagkatapos kumain. Pinapakita ko ang chart tuwing checkup ko kay Dra Jimeno.
Kinarir ko talaga ‘to. Oatmeal (2 teaspoons lang) sa umaga, 2 nilagang saging na saba at 1 medium-sized na kamote naman sa meryenda. Kalahating tasang brown rice lang at dapat gulay ang kalahati ng laman ng plato ko. May paminsan-minsang ice cream treat pero dapat no sugar added. Mas madalas yogurt ang kinakain ko lalo na kapag nagugutom ako sa gabi.
NanaysTIP: Pwedeng mabuhay ng walang asukal. Eto ang napatunayan ko pagkatapos kong magkontrol sa pagkain noong buntis ako. Live and eat healthy kahit nariyan na si baby. Eto naman ang dapat ko pang gawin. Hehe.
5. Tataystrip
Walang makakapantay sa suporta, pag-aalaga at higit sa lahat pagmamahal na ibinigay ni Tataystrip sa akin mula sa pagbubuntis hanggang sa panganganak. Naging madali ang lahat ng mahihirap na pinagdaanan ko dahil nasa tabi ko siya. Natiyaga namin ang araw-araw na heparin injections. Kasabay ko rin siya sa pagkontrol sa pagkain (brown rice at healthy merienda din ang moda niya). Naitawid namin ang gastos mula sa mga gamot, checkup hanggang panganganak. Naging date naming mag-asawa ang lingguhang checkup at madalas na ultrasound.
Ultimate NanaysTIP : Kayang-kayang talunin ang APAS lalo na kung buo ang loob, tiwala at suporta sa iyo ng iyong asawa.
Ayan, natapos ko rin ang post na ‘to. Sa wakas, pagkaraan ng isang taon naibahagi ko rin ang aming APAS story. Ngayon, maghahanda muna ako para sa Roaring Rio party sa Sabado. Happy birthday RIO!!!






















































